^

PM Sports

Suporta ng PSC kailangan ng AYG athletes

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dapat na tiyakin ng Philippine Sports Commission (PSC) na kanilang ipagpapatuloy ang suportang ibibigay sa mga batang manlalaro na kakatawan sa 2nd Asian Youth Games sa Nanjing, China sa Agosto.

Sa pagdalo ni AYG Chief of Mission Nathaniel ‘Tac’ Padilla sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon, ibinigay niya ang kasiguruhan na ang mga atletang napili ay may mga potensyal na maging stars ng Philippine Sports sa hinaharap ngunit kailangan nila ang patuloy na suporta upang patuloy na mag-improve.

“Hindi man sila manalo sa AYG, tiyak naman na sila na ang mga kakatawan sa Pambansang koponan in three years time. Kaya masasayang lahat ng mga ginagawa natin ngayon kung di rin sila masusuportahan ng PSC,” wika ni Padilla.

May 56 atleta at 13 coaches ang bubuo sa Pambansang delegasyon na ilalaban sa AYG sa Nanjing na gagawin mula Agosto 16 hanggang 24 at katatampukan ng 15 sports.

Ito ang ikalawang edisyon ng AYG at noong 2009 sa Singapore ay nakapag-uwi ang Pilipinas ng isang pilak at isang bronze medal.

Walong events ang sinalihan ng Pilipinas at nagpadala ng 59 atleta at ang pilak ay nasungkit ni Stephanie Cimatu sa ja-velin throw at ang bronze ay hatid ni Jose Collins sa masters sa bowling.

Sa taong ito, sa 12 mula sa 15 events sasali ang Pilipinas at tiwala si Padilla na mananalo ng ginto ang hawak na de-legasyon.

Tinuran niya bilang mga palaban sa ginto ang kambal na sina Kyla at Kayla Richardson na ilalaban sa 100-m, 200-m, 400-m at long jump events sa athletics, si Fil-Japanese judoka Kiyomi Watanabe na nanalo ng bronze sa Indonesia SEA Games at mga shooters  na sina Celdon Arellano at Amparo Acuna.

“As far as our shooters is concern, we have strong chances dahil ang mga ipinuputok nina Celdon at Amparo ngayon ay lampas na sa gold medal score sa Singapore. Malakas din ang ating 3-on-3 boys team na mas better-prepared kumpara noong 2009 at ang mga golfers natin na laging  nagde-deliver,” paliwanag pa ni Padilla.

Badminton, weightlifting, tennis, table tennis, aquatics, rugby football at fencing ang iba pang sports na sasalihan ng Pinas.

vuukle comment

AGOSTO

AMPARO ACUNA

ASIAN YOUTH GAMES

CELDON ARELLANO

CHIEF OF MISSION NATHANIEL

JOSE COLLINS

PADILLA

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with