Bumawi si Lebron at ang Miami Heat
MIAMI -- Nagposte si LeBron James ng 17 points, 7 assists at 8 rebounds para sa 103-84 paggiba ng nagdedepensang Miami Heat sa San Antonio Spurs sa Game 2 at itabla sa 1-1 ang kanilang NBA championship series nitong Linggo ng gabi sa AmericanAirlines Arena.
Nagtala rin ang four-time NBA MVP na si James ng 3 shotblocks, tampok dito ang pagpigil sa slam dunk sa kanya ni Tiago Splitter sa fourth quarter.
Ang nasabing shotblock ni James ang pinakatampok sa 33-5 bomba na inihulog ng Heat sa pagitan ng third at fourth quarter at hindi na nilingon pa ang Spurs.
“I was just protecting the rim,†wika ni James. “I wasn’t doing much offensively -- I couldn’t make a shot, missing layups.â€
Tinapos ng Miami ang seven-game playoff winning streak ng San Antonio.
“I knew I was going to end up on ‘SportsCenter’ one way or another -- either he dunked on me or I blocked it. Fortunately, I will be on the good side of the top 10,†dagdag pa nito.
Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na hindi nakaiskor ng 20 points si James.
Ang serye ay lilipat sa AT&T Center sa San Antonio para sa Game 3, 4 at 5 ng best-of-seven showdown ng Heat at Spurs.
Nakatakda ang Game 3 nitong Martes ng gabi.
Ayon kay Heat coach Erik Spoelstra, ipinakita lamang ni James na hindi siya uurong sa anumang laban.
Si Mario Chalmers ang bumandera sa Miami sa kanyang 19 points, habang nagdagdag sina Chris Bosh at Dwyane Wade ng 12 at 10 points, ayon sa pagkakasunod.
- Latest