^

PM Sports

Malalaking papremyo sa San Lazaro

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pangungunahan ng premyadong kabayo ng 2012 na Hagdang Bato ang pitong kabayo pero anim ang opis-yal na bilang, na magsasagupa sa PCSO Silver Cup na lalarga sa Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Si Jonathan Hernandez ang hineteng didiskarte sa Hagdang Bato na tatakbo kasama ang coupled entry na Barkley na hawak ni Val Dilema para kay Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos.

Ang iba pang kabayo na kasali sa karerang suportado ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at paglalabanan sa 2,000-metro distansya ay ang Sulong Pinoy na hawak ni FM Raquel at pag-aari ni Wilbert Tan,  Big Daddy’s Dream na sasakyan ni EMRaquel para sa Jade Bros. Farm and Livestock,Inc., High Voltage na sakay ni Jeff Zarate para sa batikang horse owner na si Herminio Esguerra, Patron na hawak ni JB Guce para kay Mayor Leonardo 'Sandy'  Javier Jr., at Chief Joesan na didiskartehan ni RR De Leon para kay Antonio De Ubago.

Ang Big Daddy’s Dream  na edad anim na taon, ang binigyan ng pinakamabigat na handicap weight na 56 kilos habang ang Barkley,  Sulong Pinoy, High Voltage at Chief Joesan ay may 55.5 kilos at ang Hagdang Bato at Patron ay  55 kilos.

May P3.8 milyong premyong isinahog ng PCSO at ang mananalong kabayo ay mag-uuwi ng P2.5 milyon.

 

ANG BIG DADDY

ANTONIO DE UBAGO

BARKLEY

BIG DADDY

CHIEF JOESAN

DE LEON

FARM AND LIVESTOCK

HAGDANG BATO

HIGH VOLTAGE

SULONG PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with