Giyera ng SMBeer at Warriors umpisa na
Laro NGAYON
(Ynares Sports Arena, Pasig City)
8 p.m. – San Miguel Beer vs Indonesia Warriors
MANILA, Philippines - Tatlong beses tinalo ng San Miguel Beer ang Indonesia Warriors sa apat na pagkikita sa regular season pero hindi ito magiging basehan na patok na ang home team sa titulo sa ASEAN Basketball League (ABL).
“All the stats and records does not matter now. But wins over the Warriors in the past is a good motivation for us but not a guarantee of winning the championship,†ani Beermen coach Leo Austria.
Ang rematch ng Beermen at Warriors sa finals ay magsisimula sa ganap na ika-8 ng gabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City at nananalig si Austria na kakikitaan ng consistency at ibayong husay sa pagdepensa ang kanyang mga bata para makauna sa best-of-five series.
“Mahalaga ang maka-una sa series dahil iba ang confidence mo pagpasok sa Game Two. Homecourt advantage tayo at hindi puwedeng maisuko natin ito dahil malakas na kalaban ang Warriors. Nananalo kami dahil sa depensa at ito ang dapat na una na-ming gawin,†dagdag ni Austria.
Sina Chris Banchero, Leo Avenido, Asi Taulava, Justin at Brian Williams ang mga aasahan ng Beermen para tapatan ang matikas na paglalaro nina Stanley Pringle, Jerick Canada, Mario Wuysang, Steve Thomas at Chris Daniels.
“Malakas ang Warriors dahil kay Pringle at noong nakaraang taon pa ay sakit na siya ng ulo sa amin. Pero hindi nanga-ngahulugan na ang iba ay hindi na dapat bantayan. Kaya’t dapat ay maging handa kami,†dagdag ni Austria na nais na bigyan ng ABL title ang Beermen sa ikalawang taon ng pag-lahok sa liga.
Aminado naman si Warriors coach Todd Purves na mas mahirap na talunin ngayon ang Beermen dahil mas malakas sila kumpara sa nakaraang taong koponan.
“San Miguel is very talented team. We have total respect for them,†wika ni Purves.
Ang Game Two ay sa Linggo sa ganap na ika-3 ng hapon sa Ynares bago lumipat sa Indonesia ang Game Three (Hunyo 12) at Game Four (Hunyo 15). Ang Game Five kung kakailanganin ay babalik sa Ynares sa Hunyo19.
- Latest