Manila Bay Clean-Up Run lalarga na sa Hulyo 14
MANILA, Philippines - Itatanghal ng Manila Broadcasting Company ang ikatlong Manila Bay Clean-Up Run sa Hulyo 14.
Ito’y bukas sa lahat ng interesadong tumakbo sa 3K, 5K, 10K at 21K sa men’s at women’s division. Magkakamit ng tropeo at cash prizes ang mga magwawagi sa bawat kategoriya.
Noong May 4, sinimulang tanggapin ang registration sa iba’t ibang lugar-- sa Planet Sports (Trinoma), Athlete’s Foot (Alabang Town Center), ROX (Bonifacio Global City) at sa MBC lobby sa Sotto Street, CCP Complex, Pasay City.
Sa pagnanais na malinis at sagipin ang marine at coastal resources sa Kamaynilaan, patuloy na tumutugon ang MBC at iba pang mga establisimiyento sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa panawagan ng Land Bank na maibsan ang basura at linisin hindi lamang ang karagatan kungdi maging mga ilog, estero, at iba pa’ng maliliit na daluyan ng tubig na karugtong nito. Ang Fun Run ay isa lamang sa mga proyektong nakakapag-ambag ng pondong kailangan sa pagpapatupad ng mga pangangailangan ng programa.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Manila Bay Clean-Up Run, maaring tawagan ang Runners Link sa telepono bilang 482.5143 o kaya 0916.205.2787.
- Latest