^

PM Sports

Blaylock mahaharap sa kaso matapos mabangga

Pang-masa

ATLANTA -- Kinasuhan ang dating NBA star na si Mookie Blaylock ng ‘driving on a suspended license’ at ‘failing to stay in lane’ sa isang banggaan na pumatay ng isang babae, ayon sa mga pulisya noong Linggo.

Sinabi ni Jonesboro Police Chief Franklin Allen na nais ng mga awtoridad na kausapin ang 46-gulang na si Blaylock bago ito maharap sa mga mas seryosong kaso.

Hindi pa nakakausap ng mga pulis si Blaylock dahil sa kanyang mga natamong injury ngunit umaasa silang makakausap na nila ito nitong Lunes, ayon sa chief.

“The last update I got was that he is awake but groggy,’’ ani Allen.

Nagmamaneho si Blaylock ng SUV na bumangga sa van noong Biyernes matapos itong tumawid sa center line sa Atlanta suburb ng Jonesboro, sabi ng mga pulis.

Namatay sa aksidente si Monica Murphy, 43-gulang at ang kanyang asawang nagmamaneho ng van ay nabalian sa ankle.

Ayon sa Medical Center, maayos na ang kalagayan ni Blaylock matapos dumating sa ospital na naka-life support, sakay ng helicopter.

Ayon kay Allen, kailangang makausap muna si Blaylock para malaman kung anong sanhi ng aksidente.

Si Blaylock ay first-round draft pick ng New Jersey Nets mula sa Oklahoma noong 1989.

Lumaro siya sa Atlanta Hawks noong 1992 hanggang 1999 at kasama sa 1994 NBA All-Star game.

Ang kanyang best season ay noong 1996-97 kung saan nag-average siya ng 17.4 points at 5.9 assists.

 

ATLANTA HAWKS

AYON

BLAYLOCK

JONESBORO POLICE CHIEF FRANKLIN ALLEN

MEDICAL CENTER

MONICA MURPHY

MOOKIE BLAYLOCK

NEW JERSEY NETS

SI BLAYLOCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with