^

PM Sports

Archers pa rin!

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tumipa si Don Allado ng isang jumper sa huling 40.4 segundo sa fourth quarter upang igiya ang De La Salle University sa 111-108 panalo kontra sa Ateneo De Manila University sa kanilang taunang ‘Dream Game’ kagabi sa MOA Arena sa Pasay City.

Ang free throw naman ni Mac Cardona sa nala-labing 3.9 segundo ang sumelyo sa ikalawang sunod na tagumpay ng Taft-based dribblers laban sa Katipunan-based cagers.

Nagbida rin ang 6-foot-6 na si Allado sa 117-104 panalo ng Green Archers kontra sa Blue Eagles na idinaos sa Smart Araneta Coliseum noong nakaraang taon.

Ang basket ni Nonoy Baclao ang nagtabla sa Ateneo ni coach Sandy Arespacochaga sa 108-108 sa huling 50 segundo kasunod ang baseline jumper ni Allado para sa 110-108 kalamangan ng La Salle ni mentor Franz Pumaren.

Nagmintis ang mga tangkang tres nina Rabeh Al-Hussaini at Magnum Membrere para sa Blue Eagles kasunod ang free throw ni Cardona para ilayo ang Archers sa 111-108 sa huling 3.9 segundo.

Tumalbog ang desperadong tres ni Chris Tiu sa huling posesyon ng Ateneo sa pagtunog ng final buzzer.

ALLADO

ATENEO

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

BLUE EAGLES

CHRIS TIU

DE LA SALLE UNIVERSITY

DON ALLADO

DREAM GAME

FRANZ PUMAREN

GREEN ARCHERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with