La Salle Green Archers dadalawahan ang Ateneo Blue Eagles sa ‘Dream Game’ ngayon
LARO NGAYON
(Mall of Asia Arena, Pasay City)
6:30 p.m. La Salle vs Ateneo
MANILA, Philippines - Maliban sa offensive poÂwer ng La Salle, may isa pang problema ang AteÂneo sa kanilang ikalaÂwang annual ‘Dream Game’ showdown ngaÂyong gabi sa Mall of Asia AreÂna sa Pasay City.
“Well, I don’t know what shape or condition our players are in,†sabi ni Sandy Arespacochaga, gaÂgabay sa Blue Eagles sa kanilang pagsagupa sa Green Archers sa ganap na alas-6:30 ng gabi tampok ang mga alumni ng daÂlawang eskuwelahan na naglalaro sa PBA.
Hindi maglalaro sina LA Tenorio, Larry Fonacier at Japeth Aguilar paÂra sa Katipunan-based squad at reigning UAAP men’s champion.
Hinugot ng Ateneo siÂna PBA rookies Chris Tiu at Eman Monfort.
Muli ring aasahan ng Blue Eagles sina Rabeh Al-Hussaini, Nonoy BacÂÂlao, Eric Salamat, JC InÂÂtal, Doug Kramer, EnriÂco Villanueva, Wesley GonÂÂzales, Rich Alvarez, PaoÂÂlo Bugia at Magnum MemÂbrere.
Tinalo ng Green Archers ang Blue Eagles, 117-104, noong nakaraang taon sa Smart-Araneta Coliseum.
Si Don Allado ang muÂling babandera para sa La Salle maÂliban pa kina JoÂseph Yeo, Mac Mac CarÂdona, Mike Cortez, Ren-Ren RiÂtualo, Rico Maierhofer, Ryan Araña, Carlo Sharma, Willy Wilson at TY Tang.
- Latest