^

PM Sports

Sa Wakas nagbida sa Metro Turf

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nailabas ni Jessie Gu­ce ang bangis ng Sa Wa­kas matapos makumpleto ang pagbibida sa class division 1B race na inilagay sa 1,400 metro noong Hu­webes ng gabi sa Metro Turf Club sa Malvar, Ba­tangas.

Nadehado ang kabayo ngunit tila naging hamon ito para sa tambalan nang magbanderang-tapos ito sa isinagawang karera.

Inilayo ni Guce ang Sa Wakas ng halos pitong dipa sa kalagitnaan ng karera at hindi naubos ang lakas ng kabayo pa­ra magkaroon ng halos tat­long layo ng pagitan sa pu­mangalawang Jet’s Trea­sure.

Nagpista ang mga dehadista sa pagkapanalong ito ng Sa Wakas dahil sa P29.50, habang ang mas de­hadong kumbinasyon na 7-4 ay nagpasok ng P1,751.50 dibidendo.

Hindi naka­pagbigay ng laban ang Key Boy dahil nahulog si jockey Jordan Cordova sa pagbukas ng aparato.

Pinalad naman ang Se­ñorita Alessi na nagkaro­on pa ng lakas sa huling 10-metro para balewalain ang malakas na pagdating ng Role Model.

Sa sprint distance na 1,000m ang labanan at ang nanalong kabayo ay iginiya ni Mark Alvarez na unang nailusot ang ulo sa meta sa Role Model na hawak ni LT Cuadra.

Patok ang Señorita Ales­si at ang coupled entry na So It’s You.

 

vuukle comment

JESSIE GU

JORDAN CORDOVA

KEY BOY

MARK ALVAREZ

METRO TURF CLUB

ROLE MODEL

SA WAKAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with