May Pinoy sa UEFA Champion na Bayern Munich
MANILA, Philippines - Hindi si Phil Younghusband, hindi si Neil Etheridge o ang sinumang mi-yembro ng Philippine Azkals ang nakatikim ng tagumpay sa mabigat na UEFA Champions League.
Matapos makamit ng Bayern Munich ang kanilang pang-limang korona, iwinagayway ni David Olatukunbo Alaba ang Philippine flag sa post-match ceremony kasama ang mga bandila ng Nigeria at Austria.
Si Alaba, isang left back o holding midfielder, ay ang kauna-unahang football player na may dugong Pinoy na nakatikim ng Champions League title.
Ipinanganak ang 20-anyos na si Alaba noong Hunyo 24, 1992 sa Austria ng kanyang inang Filipina nurse, habang ang kanyang amang Nigerian ay isang DJ at dating rapper.
Bilang 17-anyos na player, si Alaba ay naging miyembro ng Austrian national team nang kunin ng Bayern Munich noong 2009-2010 season. Sa edad na 19-anyos, hinirang siyang Austrian Footballer of the Year noong 2011.
- Latest