^

PM Sports

Pagbebenta ng Kings franchise sa Ranadive group inaprubahan ng NBA

Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaprubahan ng NBA Board of Governors unanimously ang pagbebenta ng Sacramento Kings nitong Martes sa grupo na pinangungunahan ni TIBCO Software chairman Vivek Ranadive.

Inihayag ng liga sa isang statement na ang “tran-saction is expected to close shortly.’’

Matapos pigilan ng mga team  owners ang relocation ng franchise sa Seattle sa kaagahan ng buwang ito, nakipagkasundo ang pamilya Maloof na ibenta ang 65 percent controlling interest sa Kings sa grupo ni Ranadive sa total franchise valuation na $535 million.

Si Ranadive na kailangang ibenta ang kanyang share sa Golden State Warriors, ay ang unang Indian-born na magiging  majority owner sa NBA.

Kasama sa Sacramento group sina 24 Hour Fitness founder Mark Mastrov, dating Facebook senior executive Chris Kelly at Jacobs family na may-ari ng communications giant Qualcomm.

Matapos aprubahan ang bentahan, nagpasalamat si Ranadive sa mga owners sa kanyang Twitter. “It was an honor and a privilege to be part of such an amazing community.”

BOARD OF GOVERNORS

CHRIS KELLY

GOLDEN STATE WARRIORS

HOUR FITNESS

MARK MASTROV

MATAPOS

RANADIVE

SACRAMENTO KINGS

SI RANADIVE

VIVEK RANADIVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with