Umabante ang Spurs sweep ang Memphis
MEMPHIS -- Tuluyan nang winalis ng San Antonio Spurs ang Memphis Grizzlies sa kanilang championship series matapos ang 93-86 tagumpay sa Game 4 ng Western Conference finals.
Siniguro ni guard Tony Parker na mabibigyan niya si Tim Duncan ng pagkakataong makamit ang kanyang pang-limang NBA championship ring.
Umiskor si Parker ng career-playoff-high na 37 points, kasama dito ang 25 sa second half, para igiya ang Spurs sa 4-0 pagwalis sa Grizzlies sa serye.
Lalabanan ng Spurs ang mananalo sa Eastern Conference series at magkakaroon ng mahabang preparasyon bago ang Game 1 ng NBA Finals na sisimulan sa Hunyo 6.
Abante ang Miami Heat laban sa Indiana Pa-cers sa 2-1 sa kanilang Eastern Conference finals.
Kumolekta si Duncan ng 15 points at 8 rebounds, habang nag-ambag si Kwahi Leonard ng 11 points para sa San Antonio.
Gumawa naman si Quincy Pondexter ng 22 points para banderahan ang Memphis kasunod ang 14 ni Marc Gasol at 13 ni Zach Randolph.
Hawak ang 89-86 bentahe, nagpasok si Parker ng dalawang free throws sa huling 29.7 segundo kasunod ang dalawa pang charities matapos ang walong segundo para selyuhan ang panalo ng Spurs kontra sa Grizzlies.
- Latest