^

PM Sports

Funelas nakopo ang kanyang 3rd gold

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inangkin ni Asian Games at Southeast Asian Games campaigner Danny Funelas ang kanyang pangatlong gintong medalya matapos maghari sa men’s 200-meter race sa canoe/kayak/dragonboat event ng 2013 PSC-POC National Games kahapon sa Manila Bay.

Nagsumite si Funelas ng tiyempong 51.57 segundo para talunin sina Hermie Macaranas (52.27) at Reymart Nevado (52.76).

Nauna nang nakapagdomina si Funelas, kabilang  sa Taytay Boys squad, sa mga events na men’s canoe 500-meter at dragon boat 10-crew 500-meter events.

Sa archery sa PUP Field sa Sta Mesa, pumana si Ian Chepeco ng BENEL team ng dalawang gintong medalya sa men’s double 50 compound at Olympic round compound mula sa kanyang 688 at 142 points, ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang kumuha ng ginto ay sina Rachelle Dela Cruz (women’s Olympic round recurve) ng Phl team, Marie Crizabelle Merto (women’s double 70 recurve) ng SUDAC, Flor Matan (men’s double 70 recurve) ng Phl team, Theodore Cabral (men’s Olympic round recurve) ng AIM-X at veteran Joann Tabanag (women’s double 50 compound) ng Phl team.

Sa triathlon sa Philsports Arena sa Pasig City, sinikwat ng mga National team standouts John Chicano at Kim Mangrobang ang mga ginto sa kani-kanilang mga dibisyon.

Naglista ang 22-anyos na si Chicano ng bilis na 1:00:56 at nagposte si Mangrobang ng 1:13.34 sa men’s at women’s class, ayon sa pagkakasunod.

Ito ang ikatlong sunod na taon na nagrey  na si Mangrobang sa women’s division.

Sa billiards sa RMSC Billiards Hall, ginitla ng bagitong si Cheska Centeno si dating Southeast Asian Games gold medalist na si Rubilen Amit, 7-6, sa 9-Ball competition.

vuukle comment

ASIAN GAMES

BILLIARDS HALL

CHESKA CENTENO

DANNY FUNELAS

FLOR MATAN

FUNELAS

HERMIE MACARANAS

IAN CHEPECO

PHL

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with