^

PM Sports

Esguerra, Palatao nanalasa sa kayak

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos mabigo sa kanilang unang dalawang pag­haharap, tinalo ni Rosalyn Esguerra si double-gold me­dal winner Janeth Escallona sa women’s touring ka­yak 500-meter event sa 2013 PSC-POC National Games kahapon sa Manila Bay.

Nagposte ang 14-anyos na si Esguerra ng tiyempong 3:25.93 upang pitasin ang gintong medalya.

“Masayang-masaya talaga ako kasi tinalo siya,” sabi ni Esguerra, isang grade six student ng San Juan Elementary School at tubong Palanas, Masbate kay Es­callona.

Si Escallona ang tumalo kay Esguerra sa 5,000m tou­ring kayak at dragon boat tandem events.

Nagtala si Escallona ng sumegundang 3:42.11 para sa silver medal kasunod si Noelle Wenceslao, isang dating Mount Everest climber, na kinuha ang bronze sa kanyang oras na 3:58.26.

Kinuha naman ni Regie Palatao ang kanyang ikalawang gold medal nang talunin ang kambal na sina Edward at Edgar Galang sa men’s touring 500-m kayak.

Nagtala si Palatao ng bilis na 2:44.71 para unahan sina Edward (2:53.14) at Edgar Galang (2:54.29) sa gold medal.

Si Palatao na tubong Madella, Quirino Province ay huminto sa pag-aaral sa kolehiyo dahil sa kahirapan.

Sa tennis event sa Rizal Memorial Tennis Center, giniba ni AJ Lim si Juan Gabriel Peña, 6-2, 6-1, patu­ngo sa quarterfinals kasama sina Johnny Arcilla, PJ Tier­ro at Marc Reyes.

Isang walkover win ang nakuha ni Arcilla kay Jai­me Aguilar, habang tinalo ni Tierro si Jarryd Mandu­riao, 6-1, 6-0, at iginupo ni Reyes si Jose Nicholas Ca­no, 6-1, 6-0.

Nakatakda namang pakawalan ngayon ang cycling event, inilipat sa Tarlac mula sa Las Piñas, hanggang sa Mayo 30.

 

EDGAR GALANG

ESGUERRA

JANETH ESCALLONA

JARRYD MANDU

JOHNNY ARCILLA

JOSE NICHOLAS CA

JUAN GABRIEL PE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with