San Miguel Beermen babawi sa Sports Rev Thailand Slammers
Laro NGAYON
(Philsports Arena, Pasig City)
3 p.m. - San Miguel Beer vs Sports Rev Thailand
MANILA, Philippines - Ang inakalang mada-ling laro ay tila mauuwi sa bangungot kung hindi magigising agad ang San Miguel Beer.
Muling magtutuos ang Beermen at Sports Rev Thailand Slammers nga-yong ika-3 ng hapon sa Philsports Arena sa Pasig City hanap ang panalo na magbabangon sa koponan mula sa 60-62 pagkatalo sa Game One noong Huwebes sa Ynares Antipolo.
Nailusot ni Darongpan Apiromvilaichai ang jumper sa huling limang segundo para wakasan ang 16-game winning streak ng host team.
Ang masakit, naagaw nila ang homecourt advantage sa best-of-five series laban sa number one team sa eliminasyon dahil kaya nilang tapusin ang serye sa Bangkok na siyang pagdarausan ng Game Three at Four.
“Outplayed at outhustled kami,†wika ni Beermen coach Leo Austria. “Kailangang tapatan namin ang kanilang intensity para manalo.â€
Nakikita ni Austria na magigising ang kanyang mga alipores upang hindi masayang ang magandang naipakita sa elimination round na kanilang dinomina sa 19-3 karta.
Ang nagbabalik na si Chris Banchero ay mayroong 13 puntos para pamunuan ang koponan. Ngunit malamya ang ipinakita ng mga higanteng sina Justin, Brian Williams at Asi Taulava.
Tumapos lamang ang dalawang imports bitbit ang tig-12 puntos bukod sa 12 at 10 rebounds. Ngunit limitadong buslo lamang ang nakita sa dalawa sa pinagsamang 11-of-17 shooting.
Si Taulava ay mayroon lamang anim na puntos habang ang mga scorers na sina Val Acuña at Leo Avenido ay may masamang 1-of-9 at 1-of-7 shooting.
Ang Game 3 ay sa Mayo 28 at May 30 ang Game 4 sa Thailand. Kung mangangailangan ng deciding fifth game, ito ay sa Hunyo 3 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
- Latest