Ang pagbabalik ng Oroquieta
MANILA, Philippines - Magarang pagbabalik ang naipakita ng kabayong Oroquieta nang dominahin ng kabayo ang sinalihang karera noong Miyerkules ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Si Jordan Cordova ang hinete pa rin ng kabayo na sumalang sa unang opisyal na takbo at naroroon pa rin ang bilis ng Oroquieta matapos ang wire-to-wire na panalo sa Class Division 1A na inilagay sa 1,000m.
Halos apat na dipa ang inilayo ng nanalong kabayo habang nakaremate naman ang Toy Warriors para kunin ang ikalawang puwesto.
Ito rin ang unang takbo ng Toy Warrior at ang kumbinasyong 8-2 sa forecast ay nagkahalaga ng P17.00 habang ang win ay naghatid ng P5.00 dibidendo.
Mga liyamadong kabayo ang nagsipanalo sa gabing ito sa bakuran ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) at ang ikalawang pinakapaboritong nagwagi ay ang Don Albertini sa isang SRF-3YO-NHG-HR4 division.
Naunang nagbalikatan ang Don Albertini na hawak ni Jonathan Hernandez at Wild Ginseng ni Jeff Zarate pero lumamya ang takbo ng huli para makalayo na ang una sa huling kurbada.
Halos tatlong dipa ang panalong nakuha ng Don Albertini sa naghabol na Street Wire para kunin ang unang panalo matapos ang tatlong takbo sa buwan ng Mayo.
Halagang P6.00 ang ibinigay sa win habang ang 5-2 forecast ay nagpamahagi ng P25.50 dibidendo.
Lumabas bilang pinakadehadong kabayo na nanalo ay ang Boy Pick Up na kondisyon sa laban sa Class Division 1 na inilagay sa 1,000-m distansya.
- Latest