^

PM Sports

Caluscusin naka-gold din sa PNG gymnastics

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bagama’t may binago sa kanyang mga routines ilang araw bago ang 2013 POC-PSC Philippine National Games, napanatili pa rin ni gymnast Jean Caluscusin ng National Capital Region ang kanyang porma para mapitas ang gintong medalya.

Humakot si Caluscusin ng kabuuang 35.925 points para kunin ang ginto sa senior individual all-around sa rythmic gymnastics sa nasabing annual event na idinaos sa Rizal Memorial Gymnastics Center.

“May mga binago kami sa routines ko ilang araw bago itong competition. Pero hindi naman ako ninerbiyos,” wika ng 20-anyos na miyembro ng Far Eastern University cheering squad.

Kumolekta si Caluscusin ng 9.350 points sa ribbon, 8.650 points sa ball, 9.300 points sa clubs at 8.625 points sa hoop events.

“Masaya ako kasi second lang ako last year eh,” sabi pa ni Caluscusin, isang fourth-year BS Education student sa FEU, matapos ang kanyang panalo.

Si Caluscusin ang ikalawang atleta ng FEU na sumikwat ng gintong medalya sa 2013 National Games matapos si Joseph Buck Briones ng Marikina na naghari sa individual men’s aerobics.

Binigo ni Caluscusin para sa ginto sina National team standout Anica Joy Sirios (34.750 points) ng Muntinlupa at ang gold medal winner sa 2012 Natio-nal Games sa Dumaguete City at Cebu City bet Carmeli Garovillo (34.425 points).

Si Garovillo ang gold medalist noong 2012 National Games.

Inangkin naman ni Mikhaela Silverio ng NCR ang gintong medalya sa junior individual all-around mula sa kanyang nakolektang 36.600 points.

Tinalo ni Silverio sina Cebuano bets Kimberly Pa-ler (31.125 points) at AJ Melgar ( 29.925 points).

Samantala, pormal na bubuksan ngayong hapon ang 2013 National Games sa Ninoy Aquino Stadium na pamumunuan ni PSC chairman Richie Garcia.

Kabuuang 41 sports events ang nakalatag para sa nasabing 10-day event.

Ang mga ito ay ang archery, arnis, athletics, badminton, baseball, beach volleyball, billiards, bowling, boxing, canoe/kayak, chess, cycling, dancesport, dragon boat, football, futsal, golf, gymnastics, judo, karatedo, lawn tennis, motocross, muay thai, pencat silat, po-werlifting, rugby, sepak takraw, sailing, shooting, swimming, table tennis, taekwondo, triathlon, volleyball, weightlifting, wind surfing, wrestling at wushu.

vuukle comment

ANICA JOY SIRIOS

CALUSCUSIN

CARMELI GAROVILLO

CEBU CITY

DUMAGUETE CITY

FAR EASTERN UNIVERSITY

JEAN CALUSCUSIN

JOSEPH BUCK BRIONES

NATIONAL GAMES

POINTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with