^

PM Sports

Shakey’s V-League Finals simula na ang giyera ng Ateneo at NU

AT - Pang-masa

FINALS

Laro NGAYON

(MOA Arena, Pasay City)

2 p.m. – Adamson vs UST (3rd place)

4 p.m. – National University vs Ateneo

 

MANILA, Philippines - Maaksiyong laro ang matutunghayan ngayon sa pagtutuos ng Ateneo at National University sa pagbubukas ng Shakey’s V-League Season 10 First Conference Finals sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang Lady Eagles at Lady Bulldogs ang mga nangungunang koponan sa spiking sa liga kaya’t  walang humpay na labanan sa net ang magpapaganda sa larong magsisimula dakong alas-4 ng hapon.

Ang mananalo sa paunang tagisan ng best-of-three championship series sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s ay magkakaroon ng pagkakataon na ibulsa ang titulo sa Linggo (Mayo 26) na gagawin sa nasabing palaruan.

Ngunit kung magkakaroon ng tabla sa 1-1, ang deciding Game Three ay itinakda sa Hunyo 2 sa Philsports Arena sa Pasig City.

Mauunang magbakbakan sa ganap na ika-2 ng hapon ang Adamson at UST para sa mahalagang 1-0 kalama-ngan para sa battle-for-third place.

Namayani ang Lady Bulldogs sa Lady Eagles sa natatanging pagkikita na nangyari sa eliminasyon, 25-15, 25-12, 26-24, ngunit hindi garantiya ito na madali nilang pababagsakin ang koponang dinomina ang huling dalawang edisyon ng conference.

Matapos lasapin ang unang kabiguan, kumilos si coach Roger Gorayeb at kinuha ang dating San Sebastian Thai import na si Jeng Bualee at agad na nakita ang ibayong bangis ng Lady Eagles nang walisin ang 6-time champions na Tigresses sa semifinals.

“Tinalo namin sila pero wala pa si Jeng noon. Mas malakas sila ngayon,” wika ni NU mentor Edjet Mabbayad.

Pero handa ang Lady Bulldogs na higitan ang laro ng katunggali para maisakatuparan ang paghagip ng unang titulo sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

Ang karanasang nakuha ng koponan sa semifinals series laban sa Adamson na kung saan bumangon sila mula sa 0-1 pagkakalubog at ipinanalo ang sumunod na dalawang laro, ay makakatulong para magkaroon ng kumpiyansa ang Lady Bulldogs.

Si Dindin Santiago, na siya nga-yong number one scorer ng liga sa 193 hits, mula sa 146 kills, 25 service aces at 22 blocks ay makikipagtulungan kina Myla Pablo, Rubie de Leon at Jennylyn Reyes na mga number one spiker, setter, receiver at diggers ng liga.

Pero para kay Gorayeb, susi para sa ikapapanalo ng koponan ay ang pigilan ang beteranang si De Leon.

“Mahuhusay ang kanilang spikers pero lahat ng kanilang galaw ay magmumula kay Rubie. Kung maganda ang ipakikita niya, mananalo sila, pero kung masama, may tsansa kami,” ani Gorayeb.

Maliban kay Rubie, magandang floor defense din ang dapat na makita sa Lady Eagles upang makuha ang mga makakalusot na spikes ng kalaban.

vuukle comment

ADAMSON

ANG LADY EAGLES

ATENEO

LADY

LADY BULLDOGS

LADY EAGLES

NATIONAL UNIVERSITY

PASAY CITY

RUBIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with