Briones, Dolar naka-gold sa PNG gymnastics
MANILA, Philippines - Napag-ibayo ni Joseph Briones ang kaalaman sa aerobics gymnastics nang nakasama ng beteranang si Charmaine Dolar na nanalo ng unang dalawang ginto na pinaglabanan sa POC-PSC Philippine National Games sa gymnastics.
Noong Lunes ng gabi isinagawa ang event sa Gymnastics Association of the Philippines (GAP) gym sa Rizal Memorial Sports Complex at si Briones ay nakitaan ng mas suwabeng execution para manalo sa hamon ni Francis Rivera.
“Bronze medal lang ako last year kaya hindi ko inaasahan na mananalo ako,†wika ni Briones na coach ng Letran cheering team.
Kinailangan pagbasehan ang ipinakita sa mat ang nanalo dahil pareho sina Briones at Rivera na binigyan ng 16.85 puntos.
Si Dolar na kasapi ng National team ay nangibabaw sa kasamahang si Lynette Ann Moreno sa nakuhang 21.25 puntos laban sa 19.17 ng kalaban.
Ang bronze ay nakuha ni Rochelyn Cerda ng Rizal sa 16.7 puntos.
“Kulang ako sa pagsasanay kaya sa-tisfied ako sa ipinakita ko,†wika ni Dolar na isang fourth year student ng BS Education sa UE.
Dahil sa dami ng mga kasali, ina-abot ng gabi ang mga labanan para sa medalya.
Ang sunod na pinaglabanan ay para sa all-around sa women’s rhythmic gymnastics at sa individual competition sa hoop, ball, clubs at ribbon.
Walang laro bukas at babalik ang aksyon sa Biyernes hanggang Linggo para sa Men’s Artistic Gymnastics, Women’s Artistic Gymnastics at cheerleading event.
- Latest