^

PM Sports

SMBeer may patutunayan sa ABL

AT - Pang-masa

Laro BUKAS (Ynares Antipolo)

8 p.m. – San Miguel Beer vs Sports Rev Thailand Slammers

 

MANILA, Philippines - Ramdam pa rin ng San Miguel Beer ang pait ng nangyari sa koponan noong nakaraang taon sa ASEAN Basketball League (ABL).

Umabante sa finals ang Beermen at may bitbit na home court advantage ngunit nasilat sila ng Indonesia Warriors sa deciding Game Three.

“We know what happened last year and we have to remain focus because we have something to prove,” wika ni Beermen coach Leo Austria nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.

Pinapaboran ang Beermen na magdomina sa ikaapat na taon ng liga matapos pangunahan ang eli-minasyon sa 19-3 baraha kasama ang kahanga-ha-ngang 16-0 winning streak.

Pero hindi nagpapadala sa buyo ang beteranong si Austria dahil alam na alam niya na iba ang lebel ng playoffs. Kaya isang pagpupulong ang ipinatawag niya noong Lunes para ipaalala sa kanyang mga bataan na hindi pa tapos ang kanilang misyon.

“We had a meeting yesterday to keep them in focus. Hindi garantiya ang 16-0 para manalo kami ng titulo. Walang saysay ito kung hindi kami mananalo,” dagdag nito.

Katunggali ng Beermen ang pumang-apat na Sports Rev Thailand Slammers sa semifinals na sa taong ito ay paglalabanan sa best-of-5 series.

May 4-0 record ang Beermen pero kumbinsido si Austria na pahirapan ang labanan dahil ang Slammers na pinamumunuan ni coach Joe Bryant, ama ng NBA superstar na si Kobe Bryant, ay determinado na bawian ang home team.

“They have a very good coach and although they are not as talented at Malaysia Dragons or Indonesia Warriors, they play hard eve-ry game. But our advantage will be our big men and our experience. Hopefully, we can keep our winning streak going,” dagdag pa ng beteranong coach.

Nakasama sa Forum ang mga manlalarong sina Asi Taulava, Chris Banchero at import Brian Williams na suportado ang pahayag ng kanilang mentor na kailangan nilang magpursigi para manalo.

Ang 40-anyos na si Taulava na nakikitaan ng ibayong sigla sa liga, ay nangakong gagawin ang lahat ng makakaya para  magkampeon ang Beermen.

“The last time I won a title was in 2003. It’s gonna be tough because the Slammers are the hottest team we’ve faced this year. We just have to play the San Miguel brand of play,” ani Taulava.

Makakasama sa series ng Beermen sina Banchero at Justin Williams matapos maghilom na ang kanilang mga injuries.

ASI TAULAVA

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

BRIAN WILLIAMS

CHRIS BANCHERO

GAME THREE

INDONESIA WARRIORS

SAN MIGUEL BEER

SPORTS REV THAILAND SLAMMERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with