Robinson baka hindi na sa Bulls lumaro
MANILA, Philippines - Hindi lang si Nate Robinson ang scoring punch ng Bulls sa playoffs, siya rin ang sumisimbolo ng puso ng koponan.
Gumawa si Robinson ng mga ‘di malilimutang performances para sa kanyang puro-injury na team sa kanilang second round run kabilang ang pagunguna sa Chicago sa makapigil hiningang triple-overtime win kontra sa Nets sa Game 4 ng naturang series, at tumulong sa Bulls na agawin ang Game 1 sa serye nila ng defending champion Miami Heat.
Hindi agad malilimutan ng mga Bulls fans si Ro-binson sa kanyang mga nagawa ngayong season pero posibleng hindi na rin siya lumaro sa Chicago sa susunod na season.
Bilang unrestricted free agent, inaasahang maghahanap si Robinson ng multi-year deal na mas malaki kaysa sa kanyang tinatanggap sa Chicago na hindi pa fully guaranteed sa simula ng season.
Bukod sa magiging isyu ang pera, inaasahang magiging malalim ang guard position ng Bulls kapag bumalik na ang mga may injury kaya lalong mawawalan ng lugar si Robinson.
Si Robinson ay nag-average ng 16.3 points, 2.7 rebounds, at 4.4 assists sa 33.7 minutes per game sa playoffs.
- Latest