^

PM Sports

Pamilya Maloof at grupo ng Sacramento nagkasundo na sa bentahan ng Kings franchise?

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang taong may kinalaman sa negosasyon ang nagsabing may kasunduan na ang Maloof family at ang Sacramento group na pinangungunahan ni TIBCO software tycoon Vivek Ranadive na ibenta ang 65 percent controlling interest ng Kings sa total franchise valuation na $535 million ngunit hindi pa ito pormal na inihahayag sa publiko.

Ayon sa impormante, may 30 investors sa grupong binuo ni Sacramento Mayor Kevin Johnson, dating All-Star guard at inaasahang ihahayag ang bentahan sa Biyernes.

Inaasahang opisyal na aaprubahan ito ng NBA sa susunod na linggo.

Ayon sa source, inaasahang magkakabayaran sa May 31.



Noong Miyerkules, ni-reject ng NBA Board of Governors ang hangarin ng Seattle group na ilipat ang franchise sa Pacific Northwest matapos ang 22-8 vote na pumigil sa bentahang 65 percent controlling interest sa total franchise valuation na $625 million sa Seattle group na pinangungunahan ni investor Chris Hansen, na dalawang beses pinalaki ang  offer matapos magparamdam ang NBA na ayaw nilang lumipat ang prangkisa.

Ang botohan ang tumapos sa matagal nang usapin ukol sa kapalaran ng Kings na tumagal na ng tatlong taon.

Nais ni  Hansen na ilipat ang franchise at pangalanan ito ng SuperSonics, matapos iwanan ang Seattle para lumipat sa Oklahoma City noong 2008 at pina-ngalanan ng Thunder.

Pinuri ni NBA Commissioner David Stern si Hansen sa kanyang proposal at sinabi niyang maaaring ikonsidera ng NBA na mag-expand kapag nagkaroon na ng bagong TV deal.



 

AYON

BOARD OF GOVERNORS

CHRIS HANSEN

COMMISSIONER DAVID STERN

HANSEN

NOONG MIYERKULES

OKLAHOMA CITY

PACIFIC NORTHWEST

SACRAMENTO MAYOR KEVIN JOHNSON

VIVEK RANADIVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with