^

PM Sports

Fil-foreign athletes kailangang dumaan sa PNG

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bukas din ang nalalapit na Philippine National Games sa mga Fil-foreign athletes na naghahangad na kumatawan ng bansa sa mga hinaharap na international competitions.

“There are a lot of overseas Filipinos interested in joining the PNG,” sabi ni Jolly Gomez, commissioner ng Philippine Sports Commission at PNG project director.

Sinabi ni Gomez na dahil sa social networking sites tulad ng Facebook at Twitter, ang mga Filipino athletes sa ibang bansa ay nakakabalita na kung ano ang nangyayari sa sports dito sa bansa.

 â€œWe have athletes based in the United States, Australia and Europe, and we may have the edge here compared to those from Thailand and other (Southeast Asian) countries. And some of these are outstanding athletes,” ani Gomez na umaasang ilan sa mga atletang ito ay kakatawan ng bansa sa SEA Games, Asian Games o maging sa Olympics.

Maaari ring maging bahagi sila ng Philippine dele-gation sa Asian Youth Games sa Nanjing, China sa August kung saan ang Philippines, ayon kay chef-de-mission Tac Padilla ay umaasang makapagpadala ng mahigit sa 50 athletes.

Ayon kay Gomez, maaari silang magsimula sa PNG.

Ang problema nga lang ng mga foreign-based athletes na ito ayon kay Gomez ay ang pera na panggastos nila para sa kanilang biyahe papunta rito.

 â€œWe have sent out invitations to a few,” ani Gomez, na marahil ay tinutukoy ang kambal na Fil-American na sina Kyla at Kayla Richardson na lumalaban sa 100m, 200m at 400m races at long jump.  Ang Richardson sisters, 14-gulang, ay naka-break na ng 100m junior records.

ANG RICHARDSON

ASIAN GAMES

ASIAN YOUTH GAMES

AUSTRALIA AND EUROPE

GOMEZ

JOLLY GOMEZ

KAYLA RICHARDSON

PHILIPPINE NATIONAL GAMES

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SOUTHEAST ASIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with