Alvarez iginiya ang Divine Eagle
MANILA, Philippines - Kinuha ni Jockey Mark Alvarez ang pinakaÂmaÂlaking panalo sa kanyang career nang gabaÂyan ang Divine Eagle sa panalo sa 1st leg ng 2013 Philracom Triple Crown Championship na pinaglabanan kahapon sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.
Mula sa alisan ay inilagay na agad ni Alvarez ang kabayo sa likod ng Hot And Spicy na hawak ni Jeff Zarate.
May 11 kabayo pero 10 ang opisyal na bilang ang naglaban ngunit ang ibang katunggali ay hindi nakasabay sa malakas na kamada ng dalawang kaÂbayo upang mauwi sa two-horse race ang karera na inilagay sa 1,600-metrong distansya.
Sa rekta naabutan ng Divine Eagle ang Hot And Spicy na nakalayo ng halos dalawang dipang agwat sa unang yugto.
Sa huling 200 metro nagpantay ang dalawa peÂro may sapat pang lakas ang Divine Eagle para unang mailusot ang ulo sa meta.
May winning time ang Divine Eagle na 1:36.6 sa kuwartos na 24', 23, 22', 26'.
May lahing TempesÂtous at Wind Rose Bud, ang Divine Eagle na bumenta ng P44,509.00 sa P614,369.00 Daily Double sales, ang siyang nanalo ng P1.8 milyon na unang premyo.
Sa ikalawang pagkaÂkaÂÂtaon sa nasabing race track ay tinalo ng kabayo ang Hot And Spicy.
- Latest