^

PM Sports

NU kontra Adamson sa ‘do-or-die’ Game Three

ATan - Pang-masa

LARO NGAYON

(The Arena, San Juan City)

4 p.m. National U vs Adamson (Game 3)

 

MANILA, Philippines - Magkakaalaman na kung sino sa National Univer­sity at Adamson ang sisikwat sa ikalawa at huling finals berth sa kanilang ‘do-or-die’ Game Three sa Shakey’s V-League Season 10 First Conference nga­yong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Tabla sa 1-1 ang kanilang best-of-three semifinals series at ang mananalo sa pang alas-4 ng hapong la­ro ang makakatapat ng two-time defending champion Ateneo.

Winalis ng Lady Eagles ang UST Tigresses, 2-0, sa kanilang semis showdown.

Unang nanalo ang Lady Falcons, 22-25, 25-18, 25-19, 22-25, 15-13, pero bumangon ang Lady Bulldogs sa pamamagitan ng 20-25, 25-21, 24-26, 25-21, 15-12 tagumpay sa Game Two.

Ang ginawang pagbangon ng NU mula sa 2-1 iskor sa laro ay patunay na kaya nilang makipagsaba­yan sa mas beteranong kalaban tulad ng Adamson.

Isasandal ng Lady Bulldogs ang kanilang laban kina Dindin Santiago, Jaja Santiago at Myla Pablo  bukod pa kina Rubie De Leon at Jennylyn Reyes.

Isa ring bagay na sasandalan ng Lady Bulldogs ay ang husay sa blocking na naipakita sa Game Two sa kinuhang 16-2 bentahe.

 

ADAMSON

DINDIN SANTIAGO

FIRST CONFERENCE

GAME THREE

GAME TWO

JAJA SANTIAGO

JENNYLYN REYES

LADY BULLDOGS

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with