^

PM Sports

San Miguel Beermen tangka ang ika-16 sunod na panalo

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Wakasan ang laro sa eliminasyon bitbit ang ika-16 sunod na panalo ang motibasyon ng San Miguel Beer sa pagbangga sa Westports Malaysia Dragons sa MABA Stadium sa Kuala Lumpur, Malaysia ngayong gabi.

Wala nang bearing ito sa Beermen dahil selyado na nila  ang number one seeding at homecourt advantage sa kabuuan ng playoffs sa 18-3 karta ngunit ang magkaroon ng winning momentum papasok sa semis ang mahalaga sa tropa ni coach Leo Austria.

“Pananatilihin namin ang winning streak hanggang sa makakaya namin. Focus kami sa larong ito at naniniwala naman akong makakaya naming manalo pa,” wika ni Austria.

Patuloy na hindi maglalaro si Fil-Am guard Chris Banchero para sa koponan dahil ang kanyang pagbabalik ay sa semifinals na laban sa Sports Rev Thailand Slammers.

Wala namang nakikitang problema sa bagay na ito dahil sa mahusay na pagdadala nina Jeric Fortuna at Paolo Hubalde. Katunayan ay limang sunod na panalo ang kinuha ng Beermen kahit bakasyon ang Fil-Am guard.

Hanap din ng host team na Dragons na makuha ang panalo para tumaas ang kanilang morale bilang paghahanda sa pakikipagtagisan laban sa nagdedepensang kampeong Indonesia Warriors.

May 12-8 karta ang Dragons para malagay sa ikatlong puwesto habang ang Warriors ang number two sa 16-6 baraha at siyang may bitbit na homecourt advantage sa kanilang pagkikita sa Final Four na paglalabanan sa best-of-five series.

 

vuukle comment

BEERMEN

CHRIS BANCHERO

FIL-AM

FINAL FOUR

INDONESIA WARRIORS

JERIC FORTUNA

KUALA LUMPUR

LEO AUSTRIA

PAOLO HUBALDE

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with