Malaking premyo ang nakataya
MANILA, Philippines - May P140,000.00 premÂyo ang isinahog sa anim sa siyam na karerang paglalabanan para paÂsiklabin ang pista sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngaÂyong gabi.
Ang pinakamalaking added prize na pinagtuluÂngang bunuin ng Philippine Racing Commission at ng Manila Jockey Club Inc. bilang bahagi ng Summer Racing FestiÂval ay inilagay sa race 6 nang sahugan ito ng P40,000.00 premyo.
Ang mananalo ay magbibitbit ng P24,000.00, haÂbang ang papangalawa hangÂgang papang-apat ay may pabuyang P9,000.00, P5,000.00 at P2,000.00.
Walong kabayo pero siÂyam ang opisyal na bilang ng tatakbo at ang mga ito ay ang Getting BetÂter (RC BalÂdonido), AzÂkal (RG Fernandez), DanÂcing Gisell (El BlanÂcaÂflor), Hyena (MA AlÂvaÂrez) at coupled entry na Botbot (JB Hernandez), Dy San Diego (JPA Guce), Wait Ka lang (LT Cuadra), Money Queen (RM UÂbaldo) at Tritanic (JB Guce).
Sa hanay na ito, ang BotÂbo na gagabayan ni JoÂnathan Hernandez, ay gaÂling sa panalo noong MaÂyo 5 sa karerang piÂnagÂlabanan sa race track na pag-aari ng MJCI.
Ang tambalan ay naÂnalo sa kabayong Sliotar sa 1,600-metrong karera at unang panalo ito ng Botbo sa huÂling dalawang buwan.
- Latest