Bulls head coach pinagmulta ng $35,000
CHICAGO -- Pinagmulta ng NBA si Chicago Bulls coach Tom Thibodeau ng halagang $35,000 dahil sa kanyang ginawang komento ukol sa pamamahala ng mga referees sa kabiguan ng Chicago Bulls sa Miami Heat sa Game 3 sa kanilang Eastern ConfeÂrence semifinals series.
Nadismaya si Thibodeau nang patalsikin sa laro si Nazr Mohammed matapos itulak si LeBron James sa sahig.
Inakusahan ng coach ang Heat superstar ng flopping.
Sinabi rin ni Thibodeau na hindi napapaboran sa tawagan ang mga Bulls sa nasabing laro.
Nakuha ng Heat ang Game 3 para iposte ang 2-1 bentahe sa kanilang serye.
Nakatakda ang Game 4 sa Lunes sa United Center.
- Latest