FEU ‘di bibigyan si Pingoy ng release papers
MANILA, Philippines - Hinarang ng Far Eastern UniversiÂty ang inaasahang paglalaro ni incoÂming freshman Jerie Pingoy para sa AteÂneo Blue Eagles sa darating na 76th UAAP men’s basketball tournament sa Hunyo.
Sinabi ng isang FEU official na hinÂdi nila bibigyan si Pingoy ng release papers na maglilibre sa kanya sa eliÂgibility rule ng UAAP para sa mga rookie transferees.
Si Pingoy ang dating kamador ng FEU Baby Tams sa high school division at gustong lumipat sa Blue Eagles.
“He may transfer to San Beda so that he can play already this June 2013 in the NCAA. No need to sit for two years of reÂsidency if he plays in the NCAA. AteÂneo and the UAAP board are aware of this solution,†galit na wika ng nasabing FEU official.
Sinabi ni San Beda board representive Jose Mari Lacson na kinukuha ng Red Lions si Pingoy.
- Latest