Blackwater maghahabol sa semifinal slot
MANILA, Philippines - Wakasan ang dala-wang sunod na talo na sumira sa asam na pag-usad sa semifinals ang pakay ng Blackwater Sports sa pagpapatuloy ng PBA D-League Foundation Cup sa JCSGO Gym sa Quezon City.
Katipan ng Elite ang talsik nang Hog’s Breath sa ikalawang laro dakong alas-2 ng hapon para magkaroon pa ng tsansa ang paghahabol sa insentibo na ibibigay sa dalawang mangungunang koponan matapos ang eliminasyon.
May 7-3 karta ang tropa ni coach Leo Isaac at sa ngayon ay nasa ikalawang puwesto pa pero nakaamba ang hamon ng Fruitas Shakers na nasa ikatlong puwesto at kapos lamang ng kalahating laro sa Blackwater sa 6-3 karta.
Sasalang din sa aksyon ang Shakers laban sa Café France sa ganap na ika-12 ng tanghali at kung manalo ang tropa ni coach Nash Racela at masundan pa ito ng isa pang tagumpay sa huling laro laban sa Boracay Rum sa Huwebes, sila pa ang aabante sa Elite sakaling magkaroon ng tabla sa 8-3 karta.
Tinalo ng Shakers ang Elite, 95-91, sa kanilang natatanging pagkikita no-ong Marso 21.
Hindi naman masyadong pinagtutuunan ni coach Isaac ang insentibo dahil ang mas mahalaga sa kanya ay ang makuha ang panalo at wakasan ang losing streak papasok sa mahalagang yugto ng kompetisyon.
Kung malagay sa quarterfinals, hahawakan naman ng Elite ang mahalagang twice-to-beat advantage sa makakalaban.
Sa pagitan ng Elite at Shakers, mas mabigat ang laban ng huli dahil ang Bakers ay nangangaila-ngan din ng panalo para manatiling palaban sa puwesto sa quarterfinals.
May 5-5 baraha ang Shakers kasalo ang Cebuana Lhuillier sa ikawalo at siyam na puwesto. Ngunit lalaban pa ang Shakers sa apat na koponan na aabante sa quarterfinals dahil malaki ang posibilidad na maraming team ang tatapos sa 6-5 karta.
Galing ang Fruitas sa dalawang tambakan na panalo sa mga talsik nang koponan ng Informatics (106-75) at Hog’s Breath, (70-53) para magkaroon ng mahalagang momentum sa krusyal na labang ito.
- Latest