So pangalawa sa top junior chess players sa mundo
MANILA, Philippines - Pumuwesto si Filipino Grandmaster (GM) Wesley So sa No. 2 sa listahan ng FIDE junior chess plaÂyers sa buong mundo.
Ito ay mula na rin sa 2705 ELO rating ni So.
Ang top junior player ng munÂdo ay si Anish Giri ng Netherlands na taglay ang ELO 2734 rating, habang ang top girl player ay si Hou Yifan (ELO 2617) ng China.
Sapat na rin ang nasaÂbing ELO rating para maÂkasingit ang 19-anyos na si So sa No. 40 sa world men’s list.
Kasalukuyang katabla ng Webster University freshÂman na si So sa 39 hangÂgang 41 place sina ArÂmenian Vladimir Akopian at Ukrainian Anton KoÂrobov.
Si Norway pride Magnus Carlsen ang patuloy na humahawak sa top position mula sa kanyang 2868 ELO points.
Si Judith Polgar (2696 ELO) ng Hungary ang buÂmabandera naman sa woÂman’s category.
- Latest