^

PM Sports

San Miguel Beer tangka ang ika-15 sunod na panalo

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ika-15 sunod na panalo ang nakaumang sa San Miguel Beer sa muling pagharap sa Sports Rev Thailand Slammers sa ASEAN Basketball League (ABL) ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa ganap na ika-4 ng hapon  magsisimula ang labanan at nais ng Beermen na maduplika ang 78-61 panalo sa Slammers na naitala noong nakaraang Huwebes sa nasabing venue.

Kahit selyado na ang number one spot,  pupukpok pa rin ang tropa ni coach Leo Austria para sa mahalagang momentum patungo sa playoff.

Samantala, sa semifinals na makakapaglaro ang mahusay na Fil-Am pointguard Chris Banchero. Ayon kay Austria, patuloy ang paghilom ng injured left quadriceps tendon ngunit hindi pa ito nakikipag-ensayo sa koponan.

“Nasa 70% na ang paghilom ng kanyang injury. Mga two weeks pa at ready na siya kaya sa semifinals na siya makakabalik,” wika ni Austria.

Hindi naman napilay ang Beermen sa pagkawala ni Banchero dahil sa magandang ipinakikita ng mga guards na sina Jeric Fortuna at Paolo Hubalde.

Sina Brian Williams, Justin Williams, Asi Taulava, Leo Avenido, JR Cawaling at Val Acuna ang iba pang manlalaro na dapat na kuminang para lumapit ang Beermen sa isang panalo para tapusin ang eliminasyon bitbit ang 16 sunod na panalo.

Si Christien Charles na gumawa ng 28 puntos, 11 rebounds at 5 blocks sa huling laro ang kakamada sa Slammers pero kaila-ngan  niya ng suporta mula sa ibang kasamahan sa pangunguna ni Froilan Baguion na bagamat may 9 assists at 6 steals ay nalimitahan lamang sa anim na puntos at may anim pang errors noong Miyerkules.

Kailangan ng Slammers ng panalo dahil nakikipagtagisan sila sa Singapore para sa ikaapat at huling puwesto na aabante sa semifinals.

ASI TAULAVA

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

CHRIS BANCHERO

FROILAN BAGUION

JERIC FORTUNA

JUSTIN WILLIAMS

LEO AUSTRIA

LEO AVENIDO

PAOLO HUBALDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with