^

PM Sports

Blackwater tangka ang semis

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Susugal uli ang Blackwater Sports sa awtomatikong puwesto sa semifinals sa PBA D-League Foundation Cup sa pagbangga sa Boracay Rum ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Dakong alas-2 ng hapon magsisimula ang tagisan at ang Elite ay magbabakasakali sa pinagnanasaang puwesto sa ikalawang pagkakataon.

Naunsiyami ang tropa ni coach Leo Isaac na maupuan ang insentibo na ibibigay sa dalawang mangungunang koponan nang lumasap ng 73-81 pagkatalo sa kamay ng NLEX noong Abril 29. May dalawang laro pa ang Elite ngunit kampante si Isaac na kakayanin ng kanyang bataan na kunin ang inaasintang puwesto sa larong ito.

“Positibo ang aking pananaw sa larong ito. May dalawang laro pa kami pero gagawin namin ang lahat para manalo ngayon,” wika ni Isaac.

Sakaling mabigo uli, malaki ang posibilidad na saluhan sila sa unang puwesto ng Road Warriors na katunggali sa huling labanan dakong alas-4  ng hapon ang walang panalong Informatics.

Makaaasa ang Elite na bibigyan sila ng magandang laban ng Waves na sa 5-4 karta ay mangangailangan ng panalo para tumatag ang paghahabol sa quarterfinals.

Nasa mahalagang ikaanim na puwesto ang Waves kasalo ang EA Regens na makikipagsukatan sa tulad nilang baguhan sa liga na Jumbo Plastic sa unang laro sa ganap na ika-12 ng tanghali.

Galing sa 73-77 pagkatalo sa kamay ng Big Chill, asahan na magiging balikatan ang tagisan ng  Team Delta at Giants dahil kailangan din ng huli ang panalo para hindi mamahinga agad sa liga.

Sa 4-5 karta, must-win ang tropa ni coach Steven Tiu sa huling dalawang laro.

vuukle comment

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

JUMBO PLASTIC

LEO ISAAC

PASIG CITY

ROAD WARRIORS

STEVEN TIU

TEAM DELTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with