Kahit No. 1 na SMBeer ayaw paawat
MANILA, Philippines - Matapos angkinin ang number one spot, hanap ng San Miguel Beer na maipagpatuloy pa ang winning streak upang mapanatili ang winning momentum sa playoff sa pagharap sa Sports Rev Thailand Slammers sa ASEAN Basketball League (ABL) ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
“Patuloy kaming magsisikap na maipanalo ang nalalabing mga laro namin para magkaroon ng momentum sa mahalagang playoffs,†wika ni Beermen coach Leo Austria.
Nilagok ng Beermen ang number one puwesto at home court advantage sa playoffs nang kunin ang 70-66 panalo sa Indonesia Warriors noong nakaraang Biyernes sa nasabing palaruan.
Ito ang una sa magkasunod na tagisan ng Beermen at Slammers na maaaring magdetermina kung makakahabol pa ba o hindi ang dating kampeon sa playoffs.
May 7-12 karta ang Slammers para sa mahalagang ikaapat na puwesto ngunit angat lamang sila ng isang laro sa nasa ikalimang Singapore Slingers sa 7-13.
Sina Justin Williams, Brian Williams at Asi Taulava ang tatrangko sa Beermen na huhugot pa ng magandang kontribusyon mula kina Val Acuña Leo Avenido at Paolo Hubalde na humalili sa puwestong pansamantalang iniwan ng may injury na si Chris Banchero.
Sina Froilan Baguion at mga imports Christien Charles at Darrius Brannon ang aasahan ng Slammers na babalik sa Bangkok sa Mayo 11 para labanan uli ang Beermen.
- Latest