^

PM Sports

Big Chill, Cagayan wagi

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi nawala ang kum­­piyansa ng Big Chill kahit naabutan at na­lamangan pa ng EA Regens sa huling yugto nang kunin ang 77-73 panalo sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nagtulung-tulong sina Terrence Romeo, Chris Canlas  at Janus Lozada matapos kunin ng Team Delta ang 61-59 bentahe at tapusin ang laro sa eliminasyon bitbit ang 6-5 karta.

Nasa ikalimang pu­westo ngayon ang tropa ni coach Robert Sison at kailangan nilang manalangin na hanggang ikaanim na puwesto ang maging pinakamasamang pagtatapos sa conference upang umabante sa quarterfinals.

Si Lendmark Montilla ay may 18 puntos habang 17 ang ibinigay pa ni Romeo para sa nanalong koponan.

Bumaba ang Team Delta sa 5-4 baraha at sila ay pinangunahan ni Raymund Almazan na mayroong 18 puntos at 21 rebounds.

Hindi naman su­mab­­lay si Mark Cruz sa kanyang tatlong birada sa 2-point field at ang huling dalawang buslo ay ginawa matapos ma­ka­­panakot ang Café Fran­­ce para tulungan ang Cagayan Valley sa 73-67 panalo sa unang laro.

Tinapos ni Cruz ang labanan taglay ang anim na puntos at ang magkasunod na jumpers ang nagsantabi sa pananakot ng Bakers sa 67-68, sa huling dalawang minuto para kunin ng Rising Suns ang ikaanim na panalo matapos ang 10 laro.

Si Joshua Webb ay mayroong 20 puntos habang si Edrian Lao ay nagdagdag ng 11 puntos, para sa Rising Suns na palaban pa rin sa unang dalawang puwesto bukod sa twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

May 16 puntos si Mike Silungan pero siya lamang ang manlalaro ng Bakers na may doble-pi­gura para bumaba ang koponan sa 5-5 karta.

vuukle comment

BIG CHILL

CAGAYAN VALLEY

CHRIS CANLAS

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

EDRIAN LAO

JANUS LOZADA

RISING SUNS

SHY

TEAM DELTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with