Itinakda sa Nob. 24 sa Macau Pacquiao vs Rios na
MANILA, Philippines - Ang kawalan ng takot na makipagsabayan ng palitan ng suntok sa katunggali ang siyang number one na criteria sa pagpili kay Brandon Rios para maging kalaban ni Manny Pacquiao sa pagbabalik ng ring sa Nobyembre.
Galing sa unanimous decision na pagkatalo ang 27-anyos na si Rios sa kamay ni Mike Alvarado noong Marso 30 para sa interim WBO light welterweight title ngunit kumbinsido si Bob Arum ng Top Rank na kakagatin ang laban ng mga mahihilig sa boxing.
“People want to see a real fight and that is what you get with Rios,†wika ni Arum sa panayam ni Dan Rafael ng ESPN.
Sa Nobyembre 24 (Nob. 23 sa US) gagawin ang tagisan sa 147-pound welterweight division at ito ay inilagay sa Venetian Macau Resort Hotel sa Macau, China.
Unang laban din ito ni Pacquiao sa labas ng US matapos harapin si Oscar Larios noong 2006 na ginawa sa Araneta Coliseum.
“We looked at styles and Rios has the better style for Manny. He’ll come forward and throw a lot of punches. Whether it goes five rounds or 12 rounds, it is going to be entertaining for the fans, and that is what Manny wants,†pahayag ng adviser ni Pacman na si Michael Koncz.
Ito ang unang malaking pay-per-view sa boxing sa China kaya’t tututok ang promotion sa limang siyudad sa nasabing bansa.
Pero magkakaroon din ng news conference para pormal na ianunsyo ang tagisan sa New York at Los Angeles.
May 31 panalo sa 33 laban, kasama ang 23 KOs, inaasahang sasandalan ni Rios ang pagiging mas bata habang ang 8-division world champion na si Pacquiao na pitong taon ang tanda sa kalaban, ay aasa sa kanyang karanasan at husay sa pagpapatama ng solidong suntok sa kalabang handang makipagpalitan.
- Latest