Yao Ming masugid pa ring sinusubaybayan ang NBA
MANILA, Philippines - Dalawang taon matapos magretiro, nananatili pa ring nakasubaybay si Chinese basketball star Yao Ming sa NBA.
Hindi nagkamali ang 7-foot-’6 na si Yao, lumaro ng nine seasons sa Houston Rockets bago nagretiro daÂhil sa iba’t ibang injuries, nang sabihin niyang si LeÂBron James ng Miami Heat ang pinakamahusay na plaÂyer sa planeta ngayon.
“There are so many good players in the NBA today. But the best player now is LeBron James,†sabi ni Yao kahapon matapos dumating sa bansa kama-kaÂlawa para sa three-day Philippine-China Friendship Games tampok ang dalawang exhibition games kontra sa Smart Gilas Pilipinas 2.0 kagabi at sa PBA selection team ngayon.
Isang araw matapos sabihin ito ni Yao, tinanghal si James bilang season MVP ng NBA at isang boto lang ang nakawala para sa kanyang unanimous win.
Hinulaan ni Yao, may-ari ng Sharks na kumakalaÂban sa Gilas habang sinusulat ang balitang ito sa MOA Arena kagabi bago sagupain ang PBA all-star squad ngayong gabi sa Smart-Araneta Coliseum, na ang Miami Heat at San Antonio Spurs ang magtatapat sa NBA Finals.
“I personally think San Antonio will win it in the Western Conference and Miami in the East,†sabi ni Yao.
Sino ang magiging NBA champion?
Sagot ni Yao, “I guess we have to flip a coin.â€
Ukol naman sa karibal ng kanyang koponang Houston sinabi ni Yao na, “It will be tough for Lakers to rebuild their team because of the loss of their owner Mr. (Jerry) Buss. On the court and off the court, it will be hard.â€
Sa posibilidad na kunin ni Yao sa kanyang pagmaÂmay-aring Shanghai Sharks team si Allen Iverson na nagÂhihirap ngayon, sinabi niyang bukas siya para kunin ang dating NBA superstar.
- Latest