1 gold, 3 silver, 7 bronzes sa Phl wrestlers
MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Meldion Piñon ng Quezon City Wrestling Team ang bansa nang angkinin ang gintong meÂdalya sa 50 kg. junior (ages 18-20) men’s freestyle sa 6th Southeast Asia Junior and Cadet Wrestling ChamÂpionships sa Suphanburi, Thailand.
Tinalo ni Piñon, three-time National youth champion, si Le Aung Tung ng Vietnam para sa gold medal.
Sinikwat naman nina Marlou Onrubia (55 kg. junior freestyle) ng Zamboanga City, Joshua Gayuchan ng Ifugao (53 kg. cadet Greco-Roman) at Rosegyn MaÂlabja (49 kg. cadet women) ng Baguio City ang silÂver medal sa kani-kanilang mga events.
Ang mga kumuha naman ng bronze medal ay sina Greco-Roman wrestlers Michael Jay Cater Sedano ng TayÂtay, Vince Palanca ng Mandaluyong City at JefÂferÂson Manatad ng Quezon City; freestylists Jerald BoÂsikaw ng Baguio City, Ronil Tubog ng Dumaguete CiÂty at Joseph Cañolas ng Taytay; at woman wrestler Kristine Jambora ng New Era University.
Ang 11 sa 17 miyembro ng koponan ay pawang naÂkakuha ng medalya.
- Latest