^

PM Sports

Unequalled hindi napantayan

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi nagpaawat ang mga napaborang kabayo sa tatlong malalaking ka­rera na nagpasigla sa se­lebrasyon ng New Philippine Jockey Association Inc. noong Sabado sa San­ta Ana Park sa Naic, Ca­vite.

Ang Unequalled ang lumabas na pinakamakinang na kabayo nang ku­nin ang 7th NPJAI-Phil­racom Cup Race na pi­naglabanan sa 1,300 metrong distan­sya at nagga­wad ng P180,000.00.

Ang malilikom na pe­ra sa karera ay itutulong sa mga disable jockeys.

Pinaboran ang nasabing kabayo dahil sariwa ito sa panalo noong Abril 28  sa nasabing race track na pinaglabanan sa mas maigsing 1,100 metro.

Pasunud-sunod ang tam­balan sa takbo na gi­na­wa ng Classical Bid at Win­dy Hour bago nagpa­ramdam pagpasok sa hu­ling kurbada.

Hindi na nagpaawat pa ang liyamadong kabayo at idinaan ni Cordova sa labas ang Unequalled para mas maluwag ang landas na tatahakin.

Dehado ang Windy Hour para mapasaya ang mga dehadista sa P560.00 dibidendo sa 9-3 forecast, ha­bang ang win ay may P8.50 dibidendo.

vuukle comment

ABRIL

ANA PARK

ANG UNEQUALLED

CLASSICAL BID

CORDOVA

CUP RACE

NEW PHILIPPINE JOCKEY ASSOCIATION INC

SHY

WINDY HOUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with