Santos kumuha ng silver sa Asian Athletics Grand Prix
MANILA, Philippines - Isinalba ni Katherine Santos ang sana ay hindi maÂgandang panimula ng Team Philippines sa 2013 Asian Athletics Grand Prix nang kunin ang pilak sa paboritong long jump event sa Bangkok, Thailand.
Nanalo ng bronze meÂdal sa 2011 Indonesia SEA Games sa 6.25 metÂro marka, si Santos ay luÂmundag sa mas mababang 6.17m pero sapat ito upang biguin ang tangka ng dalawang Uzbekistan jumpers para angkinin ang Top Two seats.
Ang ginto ay napunta kay Darya Rezmehenko sa 6.52m marka, habang ang bronze ay naiuwi ni Yuliya Tarasova sa 6.11m.
Kay Santos ipinagkaÂtiwala ang laban sa long jump dahil ang SEA Games record holder MaÂresÂtella Torres ay hindi ipiÂnaÂdala bunga ng injury.
Kapos naman ang ipiÂÂnaÂkita nina Josie VillaÂrito, ReÂne Herrera at DaÂniel NoÂval sa una sa tatlong yugÂtong tagisan na inorgaÂnisa ng Asian Athletics Association (AAA).
May 46.68m marka si Villarito para malagay sa pang-anim; si Herrera na panlaban sa 3,000m steeplechase ay hindi naÂkaÂtapos sa 5,000m run, haÂbang pumang-lima si NoÂval sa 100m run sa bilis na 10.42 segundo.
Ang oras ng 20-anyos na si Noval na record holÂder sa junior boys sa century dash ay mas mabilis sa national record na hawak ni Ralph Soguilon na 10.45 segundo na naitala noong 2007 sa Claremont Classic.
- Latest