^

PM Sports

Golden Hue nagpakita ng husay para sa panalo noong Huwebes

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanggulat ang kabayong Golden Hue sa pagdadala ng Class D jockey RC Barette nang lumabas bilang pinakadehadong kabayo na nagbigay pa ng suwerte sa isang karerista noong Huwebes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Buo na dumating ang kabayong di napaboran dahil tumapos lamang sa ika-limang puwesto noong Abril 21 sa Metro Turf Club para pagharian ang 14 na kabayong nagtagisan sa 2013 PRHTAI/Horseman’s Lair Bar and Grill OTB na inilagay sa 1,400 metrong dis­tansya.

Sa rekta nag-init ang Golden Hue para kunin ang li­derato mula sa naunang lumayo na Northern Arrow ba­go isinantabi ang lakas din ng pagdating ng Pretty Bull na hawak ni CJ Reyes.

Nagpasok ang hindi inaasahang panalo ng Golden Hue ng P81.50 sa win, habang ang dehadong 1-14 kum­binasyon sa forecast ay nagbigay ng P2,051.00 di­bidendo.

Naunang nagpasikat ang Good Move sa race three na siyang nagpasimula sa second set ng Winner-Take-All.

Full gate rin itinakbo ang karerang para sa mga ka­bayong nasa class division 1 at ang naunang pi­naboran na Gintong Bi­yaya ay hindi napanatili ang maagang pag­dadala sa liderato nang tumapos sa pang-apat lamang.

Ang Good Move na sakay ni JA Guce ay ru­memate mula sa pang-anim na puwesto  at mula sa labas ay inabutan ang Just In Time sa huling 75-metro tungo sa  dalawang dipang panalo.

May P54.00 ang ibi­ni­gay sa win, habang P283.50 ang ipinasok sa 14-7 forecast.

Masuwerteng naisama sa taya ng isang dehadista ang Good Move at Golden Hue para maibulsa ang P1,260,942.00 dibidendo sa 2nd WTA na binuo ng kumbinasyong 14-4-9-6-5-6-1.

vuukle comment

ANG GOOD MOVE

CLASS D

GINTONG BI

GOLDEN HUE

GOOD MOVE

JUST IN TIME

LAIR BAR AND GRILL

METRO TURF CLUB

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with