^

PM Sports

Lillard hinirang na NBA Rookie of the Year

Pang-masa

PORTLAND, Ore.  -- Hinirang si Damian Lillard ng Portland Trail Blazers bilang NBA Rookie of the Year.

Pinangunahan ni Lillard, ang sixth overall pick ng Portland sa nakaraang NBA Draft noong Hun­yo mula sa Weber State ang mgal rookies mula sa kan­yang 19-point scoring average.

Nagtala din siya ng mga averages na 6.1 assists at 3.1 rebounds sa kanyang 82 laro ngayong season.

Sinira niya ang rookie record ni Stephen Curry pa­ra sa 3-pointers sa isang season mula sa kanyang isi­nalpak na 185 three-point shots.

Si Lillard ang naging ikatlong NBA rookie na nag­pos­te ng halos 1,500 points at 500 assists, matapos si­na Oscar Robertson at Alan Iverson.

Winalis din niya ang kabuuang anim na Rookie of the Month awards ngayong season.

“I can’t stop smiling,” wika ni Lillard nang tanggapin ang Eddie Gottlieb Trophy noong Miyerkules.

Si Lillard ang ikaapat na player sa league history na umangkin sa Rookie of the Year na walang kalaban ma­tapos sina Blake Griffin noong 2011, David Robinson noong 1990 at Ralph Sampson noong 1984.

“He’s fantastic, really fantastic,” ani Kobe Bryant ng Los Angeles Lakers. “A lot of players get hot, but he’s got the moves, the patience, intelligence, the ba­lance on his jumpers. He’s the real deal.”

ALAN IVERSON

BLAKE GRIFFIN

DAMIAN LILLARD

DAVID ROBINSON

EDDIE GOTTLIEB TROPHY

KOBE BRYANT

ROOKIE OF THE YEAR

SHY

SI LILLARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with