Blackwater kakatawan sa Pinas sa 1st FIBA-Asia 3x3 tournament
MANILA, Philippines - Kakatawanin ng Blackwater Sports ang Pilipinas para sa kauna-unahang FIBA-Asia 3x3 tournament sa Doha, Qatar sa Mayo 15-16.
Ito ay sa kabila ng kanilang pagkatalo sa Big Chill sa finals ng qualifiers.
Binigo ng Big Chill ang Blackwater, 20-17, para sa karapatang isuot ang national colors sa Qatar, ngunit nabigo silang isumite ang kopya ng passports ng kaÂnilang mga players noong April 15 deadline.
Ang Blackwater ay binubuo nina 6-foot-1 Bacon Austria ng Ateneo, 6’4 Kevin Ferrer ng UST, 6’3 Gio Ciriacruz ng Arellano at 6’3 Robby Celiz ng NU.
“It’s unfortunate that we are not able to represent our country,†sabi ni Big Chill team manager Paul Lee. “We appealed our case to the SBP but since we did not submit the documents on time, FIBA-Asia could not process our applications anymore.â€
Makakasama ng Blackwater sa Group A ang Mongolia, Qatar Maroon at Sri Lanka, habang nasa Group B ang India, Indonesia, Turkmenistan at Iran.
Ang Group C ay bninubuo ng Chinese-Taipei, ThaiÂland, Nepal at Lebanon, habang ang Japan, Qatar Grey, Jordan at Hong Kong ang nasa Group D.
- Latest