Pang-24 edisyon na ng PBA All-Stars
PBA ALL STARS SCHEDULE
(Sports, Cultural and Business Center, Davao del Sur)
LARO SA MAY 3-Biyernes
5:00 p.m. PBA All-Star Skills Events
6:00 p.m. PBA Greats vs Stalwarts Game
LARO SA MAY 5-Linggo
5:00 p.m. Shooting Stars Competition
6:00 p.m. PBA All-Star Selection vs Gilas Pilipinas
MANILA, Philippines - Mula nang ininstitutionalize ng PBA ang All-Star game noong 1989, pang-24 na edisyon na ang gaganaping All-Star Game sa darating na Linggo sa Digos City sa Davao del Sur.
Noon lamang 2002 walang All-Star Game nang naghahanda ang National team para sa Busan Asian Games.
Pang-labing-tatlong beses naman na itong gaganapin out-of-town ang All-Stars pagkatapos itong itinanghal sa Cebu City noong 1998 at 2004, Iloilo City noong 2000, Laoag noong 2005 at noong nakaraang taon, Cagayan de Oro noong 2006, Baguio noong 2007, Bacolod noong 2008, Panabo, Davao del Norte at Victorias City noong 2009, Puerto Princesa noong 2010 at Boracay noong 2011.
Ito ang pangatlong beses lamang na ang format ng All-Star Game ay ilaban ang National team na naghahanda para sa international competition, sa isang PBA selection.
Unang nakalaban ng PBA All-Stars ang Centennial Team noong 1998 na naging isang two-game series sa Manila at Cebu. Isang three-game series naman ang nangyari sa Panabo City, Victorias City at Manila noong 2009 ng PBA All-Stars laban sa Powerade Team Pilipinas.
- Latest