^

PM Sports

Cagayan, Big Chill nabuhayan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kondisyon ang mga manlalaro ng Cagayan Valley at Big Chill para makapagposte pareho ng malalaking panalo na nagbigay-buhay sa panga-rap nilang umabante pa sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

May 25 puntos si Adrian Celada at kinatampukan ito ng 5-of-6 shooting sa tres tungo sa 101-83 pagdurog ng Cagayan Valley sa Boracay Rum.

Tumapos ang Rising Suns bitbit ang walong tres at nagkaroon ng kahanga-hangang 57.5 percent shooting (39-of-68) para makatabla sa Waves at Café France sa ikalimang puwesto sa  5-4 baraha.

“Lumaki ang tsansa namin na makapasok sa quarterfinals sa panalong ito. May dalawang games pa kami at parehong must-wins ito para umabante kami,” wika ni assistant coach Toto Dojillo.

Malamig ang laro ng Waves at ininda nila ang isang tres na naipasok matapos ang 21 birada.

May 26 puntos si Janus Lozada habang may 20 puntos at 9 assists si Terrence Romeo para tulungan ang Big Chill sa 93-73 panalo sa Cebuana Lhuillier sa ikalawang laro.

Sa first half pa lamang ay nakapagpundar na ang Superchargers ng 52-26 bentahe para tiyakin ang paghablot ng ikalimang panalo matapos ang 10 laro.

Naglista ang Big Chill ng 50.8 percent shooting sa kabuuan ng laro at kailangan pa ng tropa ni coach Robert Sison na maipanalo ang huling laro para magkaroon pa ng tsansa ang hangaring makalaro sa quarterfinals.

“Hindi na namin iniisip ang ibang teams o ang puwesto namin. Para sa amin, gusto lamang namin ng malakas na pagtatapos,” wika ni Sison. (AT)

Cagayan Valley 101 – Celada 25, Exciminiano 22, Lao 12, Canta 11, Mercader 9, Poligrates 7, Bringas 7, Webb 4, Cruz 2.

Boracay Rum 83 – Viernes 22, Taha 10, Sabellina 9, Bandaying 8, Eguilos 8, Fernandez 7, Ilagan 6, Pasculado 3, Arellano 3, Siruma 2, Rosopa 2.

Quarterscores: 27-15; 53-30; 73-57; 101-83.

Big Chill 93 – Lozada 26, Romeo 22, Montilla 14, Bringas 10, Bonifacio 4, Holstein 4, Apinan 4, Villahermosa 3, Santos 2.

Cebuana Lhuillier 73 – Dizon 15, Padilla 10, Bautista 9, Elinon 8, Aguilar 7, Martinez 6, Zamar 6, Lopez 6, Sarangay 3, Montecastro 2, Buensuceso 1.

Quarterscores: 25-14; 52-26; 72-56; 93-73

vuukle comment

ADRIAN CELADA

BIG CHILL

BORACAY RUM

BRINGAS

CAGAYAN VALLEY

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

JANUS LOZADA

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with