^

PM Sports

Alaska bumawi sa San Mig; PBA All-Stars dadayo sa Digos City

FMangonon - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Nagtayo ng isang 17-point lead sa first half ang Alaska at hindi na nilingon pa ang San Mig Coffee tungo sa 86-67 panalo sa Game 2 ng kanilang best-of-five semifinals series sa 2013 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa SM MOA Arena sa Pasay City.

Itinala ng Aces ang 39-22 bentahe, 5:54 ang oras sa second period mula sa tres ni JVee Casio na kanilang pinalobo sa 23-points, 63-40, sa gitna ng third quarter para makabawi sa kanilang pagkatalo sa Game 1, 71-69, noong Sabado at itabla ang best-of-5 series sa 1-1.

Nagawa pa ng San Mig Coffee na makalapit sa 62-71 mula sa tirada ni PJ Simon ngunit ang basket ni Sonny Thoss at slam dunk ni import Robert Dozier ang muling naglayo sa Alaska sa 76-61 sa huling 3:09 minuto ng laro.

“It’s not dirty. It’s just physical,” sabi ni Alaska coach Luigi Trillo. “It’s not about James (Yap) versus Calvin (Abueva) or JVee (Casio) versus (Mark) Barroca. You know it’s more than that.”

Samantala, bukas ang larga ng malaking bulto ng PBA de-legation patungong Digos City sa Davao del Sur para sa taunang All-Star Week ng liga na gaganapin mula bukas hanggang sa Linggo.

Magpapahinga muna ang Cebuana Lhuillier playoffs ng PBA Commissioner’s Cup at magpapatuloy sa May 8 sa pamamagitan ng doubleheader ng semifinals kung saan gaganapin ang parehong Game 3 ng dala-wang best-of-five sa Smart Araneta Coliseum.

Sa Biyernes sa Sports, Cultural at Business Center ng Davao del Sur gaganapin ang Obstacle Challenge, Three-Point Shootout at Slamdunk contests simula sa alas-5:00 ng hapon  na susundan ng laro ng Greats kontra Stalwarts.

ALL-STAR WEEK

BUSINESS CENTER

CASIO

CEBUANA LHUILLIER

DAVAO

DIGOS CITY

LUIGI TRILLO

OBSTACLE CHALLENGE

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with