NCR athletes nagdomina sa 2013 Palarong Pambansa
MANILA, Philippines - Kumolekta ng mga paÂnalo ang National CapiÂtal Region sa baseball at volleyball sa women’s diÂÂvision at sa elementary baseball para makamit ang overall crown sa 2013 Palarong Pambansa sa pagsasara kahapon sa Gov. Mariano Perdices MeÂmorial Stadium sa DuÂmaguete City, Negros OrienÂtal.
Namayagpag ang NCR lady spikers kontra sa CenÂtral Visayas sa volleyÂball, 25-12, 25-7, 25-1, habang ang NCR LaÂdy dribblers ay namaÂyaÂni laban sa Calabarzon sa basketball, 65-52, at umaÂni ng 6-1 karta sa round robin ang NCR sa elementary baseball para pawiin ang pagkatalo sa ibang ball games at manatiling kampeon sa magkaÂbilang dibisyon.
Yumukod ang NCR sa Central Visayas sa seÂcondary men’s basketball, 70-66; natalo ang men’s volleyball sa Western Visayas, 25-21, 25-12, 19-25, 13-25, 15-11; bigo ang NCR sa baseball, 1-2, at softball, 0-8, sa Western Visayas.
Ngunit hindi pa rin sapat ang kabiguang ito sa mga panalong nakuha sa ibang sports para makalikom ng 596.5 puntos mula sa 227.5 puntos sa elementary at 369 puntos sa secondary.
- Latest