^

PM Sports

Rabble Rouser namayani sa special maiden race

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinuha ng Rabble Rouser ang panalo sa pinag­la­banang PCSO Special Maiden Race kahapon sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Sa distansyang 1,200 metro isinagawa ang karera sa ha­nay ng limang kabayo matapos ma-scratch ang Green Lover na dapat ay sasakyan ni Mark Alvarez.

 Ang Daragang Magayon ni Jeff Zarate ang naunang nagdikta ng tiyempo, habang na­ka­buntot lamang ang Rabble Rouser na hawak ni Jo­­nathan Hernandez bukod pa sa Blue Angel ni JA Guce.

Sa kalagitnaan ng karera ay nasimulang uminit ng Rabble Rouser para magkadikdikan na sila ng Da­ragang Magayon.

Pagpasok sa rekta ay sabay na halos ang takbo ng dalawa bago bumulusok patungong meta ang kabayo ni Hernandez.

Matuling 1:10 ang ti­yempo ng kabayo sa distansya sa kuwartos na 23, 21, 26, at kinabig ng tambalan ang   unang gantimpalang P600,000.00 mula sa P1 milyong premyo.

Nagkaroon ng dagdag na P50,000.00 ang bree­der ng nagwaging ka­ba­yo.

Ang Daragang Maga­yon ang pumangalawa sa datingan para sa P225,000.00 kasunod ang Grand Charmer ni Val Dilema pa­ra sa P125,000.00.

Kinumpleto ng Blue Angel ni JA Guce at Gol­den Boot na nirendahan ni Antonio Alcasid Jr. ang datingan.

vuukle comment

ANG DARAGANG MAGA

ANG DARAGANG MAGAYON

ANTONIO ALCASID JR.

BLUE ANGEL

GRAND CHARMER

GREEN LOVER

GUCE

RABBLE ROUSER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with