^

PM Sports

San Mig kinuha ang 1-0 bentahe; Ginebra target ang 2-0 lead ngayon

Fidel Mangonon III - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inanunsyo ni Denzel Bowles ang kanyang ambisyong manalong muli ng Best Import award nang pangunahan ang isang come-from-behind 71-69 win ng defen­ding champion San Mig Coffee kontra sa Alaska sa Game 1 ng kanilang se­mifinals series para sa 2013 PBA Commissio­ner’s Cup ka­gabi sa Smart Ara­neta Co­liseum.

Iniskor ni Bowles ang pito sa kanyang 12 puntos sa fourth quarter, kabilang na ang huling anim na puntos ng Mixers sa hu­ling 71 segundo ng laro, para bigyan ang kanyang koponan ng 1-0 bentahe sa kanilang best-of-five se­mis wars at kumpletu­hin ang kanilang pagbabalik mula sa isang 64-59 pagkabaon sa 4:09 minuto sa laro.

“He’s just a big moment guy. He knows how to shine in big moments in the end,” ani San Mig Coffee head coach Tim Cone kay Bowles na ba­gama’t itinabla ang kanyang pinakamababang is­kor sa conference ay na­ipanalo pa rin ang Mixers.

Ang Best Import winner noong nakaraang taon nang napanalunan ng da­ting B-Meg sa kam­peo­nato ay nagdagdag ng 13 rebounds, 6 assists, 3 shotblocks at 2 steals.

Samantala, bagama’t ti­namba­kan nang husto ng kanyang koponan ang Talk ‘N Text at bigyan ng mensahe sa simula ng kanilang semis series, pi­naghahandaan ni Barangay Ginebra coach Al­francis Chua ang pag­ba­­­balik ng kanilang ka­­la­­ban.

“For sure they will come back. Champion team ‘yan at champion coach, babalik at babalik ‘yan. We just have to be rea­dy kung ano ibibigay ni­la sa amin,” pahayag ni Chua matapos ang 104-81 pananambak sa Tropang Texters sa Game 1 noong Biyernes.

Sa harap ng 14,627 fans sa Big Dome ay dinisisyunan na agad ng Barangay Ginebra ang laro sa first quarter pa lamang kung saan lumamang sila ng umabot sa 18 puntos na lumobo pa sa 29 bago natapos ang laro.

Sinabi ni TNT head coach Norman Black na hindi sila nakasabay sa Kings.

San Mig Coffee 71 - Simon 15, Barroca 13, Bowles 12, Yap 10, Devance 6, Gonzales 5, Pingris 5, Reavis 2, De Ocampo 2, Mallari 1, Najorda 0.

Alaska 69 - Dozier 21, Abueva 9, Hontiveros 8, Thoss 7, Baguio 7, Jazul 6, Casio 6, Espinas 5, Dela Cruz 0, Belasco 0.

Quarterscores: 7-11; 24-21; 50-48; 71-69.

ANG BEST IMPORT

BARANGAY GINEBRA

BEST IMPORT

BIG DOME

CHUA

DE OCAMPO

DELA CRUZ

SAN MIG COFFEE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with