Alvarado inspiradong pabagsakin si Pacquiao kung magkakaharap sila
MANILA, Philippines - Ang maikunsidera bilang susunod na kalaban ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao ay isang malaÂking karangalan na para kay Mike Alvarado.
At kung maitakda ang kanilang laban sa NobÂyembre ay gagawin ni AlÂvarado ang lahat para maÂnalo kay Pacquiao.
Ito, ayon kay chief traiÂner Rudy Hernandez ang magbubukas sa 32-anyos na tubong Colorado, USA na si Alvarado ng mas malaki pang mga laÂban.
“It’s a money-maker, that’s for sure. And given the opportunity, of course we would go in it with the intention of beating Manny Pacquiao because that would open up an even bigÂger opportunity,†ani HerÂnandez sa panayam kaÂhapon ng Fight Hype.
Si Alvarado ang kasalukuyang interim World BoÂxing Organization light welterweight titlist.
Isa ang pangalan ni AlÂvarado sa dalawang piÂnagpipiliang labanan ni Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) sa Nobyembre.
Ito ay matapos maÂplanÂtsa ng Top Rank ProÂmoÂtions ang paghahamon ni Juan Manuel Marquez (55-6-1, 40 KOs) kay WBO welterweight king TiÂmothy Bradley, Jr. (30-0-0, 12 KOs) sa Setyembre 14.
Maliban kay Alvarado (34-1-0, 23 KOs), nasa listahan ni Bob Arum ng Top Rank si Brandon ‘Bam Bam’ Rios (31-0-1, 23 KOs).
Binigo ni Alvarado ang 26-anyos na si Rios via unanimous decision sa kaÂnilang rematch noong MarÂso 30.
Ayon kay Hernandez, gagamitin ni Alvarado ang kanyang boxing skills konÂtra kay Pacquiao na naÂkatikim ng dalawang suÂnod na kabiguan noong 2012 mula kina Bradley at MarÂquez.
“It wouldn’t be so much of us trying to impose size on him. It would be about Mike’s boxing. He would have to resort to boxing skills more than his size and strength,†ani Hernandez. “I don’t know if he could beat Manny with size and strength.â€
Isang split decision win ang kinuha ni Bradley kay Pacquiao noong HunÂyo 9, habang pinatumÂba naman ni Marquez si ‘PacÂman’ sa sixth round noÂong Disyembre 8.
- Latest